Maaaring bumalik ang Philippine Labor Market sa Pre Pandemic Level.
Inihayag ni Department of Labor and Employment Undersecretary Benjo Benavidez na posibleng bumalik sa 5% mark ang unemployment sa bansa sa susunod na semester.
Dumoble ang unemployment sa 10.3% nuong 2020 mula sa 5.1% nuong 2019 habang bumaba naman ito sa 7.8% batay sa datos.
Samantala, pumalo naman ang underemployment sa 15.9% noong 2021 mula sa 16.4% noong 2020 at 13.8% noong 2019.
Nagsasagawa na rin muli umano ang dole ng face-to-face job fairs kung saan sa isinagawang aktibidad ay tampok ang ilang trabaho.