Nagpaabot ng pagbati si presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos sa tagumpay ng Philippine women’s football team.
Ito’y makaraang magqualifiy ang Philippine Malditas sa 2023 Women’s World Cup, ang kauna-unahang Pinay football team na nakapasok sa prestihiyosong torneyo.
Ayon kay Marcos, ang makasaysayang panalo ng malditas sa final four ng AFC Women’s Asia Cup ay patunay ng husay ng mga Pinoy sa larangan ng pampalakasan.
Nagpasalamat din si Marcos sa koponan dahil muli nitong inilagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo.
Maka-aasa anya ang malditas maging ang iba pang atletang pinoy na nasa likod nila ang buong bansa at ang UniTeam.