Inalis ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine map sa bagong disenyo ng electronic passport o e-passport.
Ipinaliwanag ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Frank Cimafranca na kinailangan nilang alisin ang mapa ng Pilipinas dahil maituturing na “politically sensitive” ang usapin sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Idinagdag pa ni Cimafranca na ni-redesign ang e-passport para ma-upgrade ang security features nito.
Nakatakdang ilabas ang bagong disenyo ng e-passport sa susunod na buwan.
By Meann Tanbio