Pormal nang umupo bilang bagong pinuno ng Philippine Marine Corps si M/Gen. Ariel Caculitan kapalit ng nagretiro nang si M/Gen. Nataniel Casem.
Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa punong tanggapan ng marines sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Bacordo na mataas ang kaniyang kumpiyansa kay caculitan na pamumunuan nito ang Marines dahil sa kaniyang pagiging accomplished at highly skilled marine officer.
Nakilala si Gen. Caculitan bilang combat officer na naitalaga sa Maimbung, Sulu bilang commanding officer ng Mobile Battalion Landing team 4.