Nanawagan sa publiko partikular sa mga hindi pa natatanggap ng bakuna at booster laban sa COVID-19 ang Philippine Medical Association (PMA), na magpaturok na upang hindi na muling bumalik sa lockdown ang bansa.
Ayon kay PMA President Benito Atienza, sa ngayon ay marami pang edad lima hanggang labing pito ang hindi pa nakakatanggap ng first at second dose gayundin ang edad 28 pataas.
Aniya, mahalagang magpabakuna upang magkaroon ng proteksyon laban sa subvariants ng COVID-19 na nakapasok na sa bansa.
Kasabay nito ay ipinaalala rin ni atienza sa publiko na patuloy na mag-iingat at laging pagsunod sa public health protocols.
Mababatid na humina ang epekto ng una at ikalawang dose ng bakuna kaya mahalagang makapag-booster shot na ang upang makaiwas sa kompromiso ang kalusugan.