Nagsimula nang magsanay ang Philippine Men’s Volleyball Team sa training camp sa Doha, Qatar na tatagal hanggang Abril a-9.
Sa ngayon ay nasa nasabing Middle Eastern Country sina Jao Umandal at iba pang mga pinoy spiker bilang parte ng paghahanda sa 31st Southeast Asian Games 2022 na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa Mayo a-12 hanggang a-23.
Nabatid na kamakailan ay wagi sa dalawang PH 6 exhibition ang pambato ng bansa kontra Qatar U-23 team sa scores na 25-19, 25-4, 25-16, habang tinapos naman ng kupunan ang Al Gharafa Sports Club sa scores na 25-22, 25-17, 25-22.
Magugunita na makasaysayang sumungkit ng silver medal para sa Pinas ang Men’s Volleyball Team sa 30th Sea Games 2019 na ginanap sa bansa. — sa panulat ni Mara Valle