Matapos ang dalawang taong lockdown, tatanggap na muli ng bisita ang Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
Sa inilabas na pahayag ng PMA, hanggang 300 bisita kada araw ang kanilang tatanggapin, mula alas-otso y medya ng umaga hanggang alas-tres ng hapon.
Maliban sa mga panuntunan sa kampo, kailangan ding sumunod ng mga bisita sa minimum health protocols.
Bago makapasok sa Baguio City, kailangan munang sumunod sa travel requirement na ipinapatupad ng Baguio City Government at sa online registration sa visita.baguio.gov.ph. – sa panulat ni Abby Malanday