Isinusulong ng PMSEA o Philippine Mine Safety and Environment Association na mapayagan ang open pit mining.
Ipinabatid ni PMSEA President Louie Sarmiento na kailangan ang open pit mining sa pagkuha sa mga mineral depende sa klase nang huhukaying lupa.
Wala rin naman aniyang batas na nagbabawal sa naturang uri ng pagmimina.
Una nang inirekomendad ng Mining Industry Coordinating Council ang pag aalis sa open pit mining ban subalit kinontra ito ng Pangulong Rodrigo Duterte.