Umarangkada na ang Exercise Lumbas 2016 na joint military exercise ng Philippine Navy at Royal Australian Navy.
Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Central Commander Major General Raul del Rosario ang opening ceremony sa Naval Base Rafael Ramos, sa Lapu-Lapu City.
Hinikayat ni Del Rosario ang mga kalahok na matuto mula sa military exercise na ito para mapalakas ang inter-operability at ugnayan ng Pilipinas at Australia.
Pinangunahan naman ni Australian Defense Attache to the Philippines Captain Brad White ang tropa ng Royal Australian Navy.
Sa Lumbas 2016, magkakaroon ng command post exercise upang masubukan, matiyak, mapalakas, at masuri ang doktrina, teknik, taktika, at proseso ng Pilipinas at Australia sa pagtugon sa iba’t ibang banta sa karagatan.
Tatagal ang Exercise Lumbas 2016 hanggang Oktober 21.
Kalahok ang dalawang barko mula sa Australia at tatlong barko ng Philippine Navy sa nasabing military exercise.
By Avee Devierte / Jonathan Andal (Patrol 31)