Nagsanib-puwersa ang Philippine Navy at Philippine Marines para sa isang Naval war fighting exercise upang mapalakas ang pagtutulungan sa pagtugon sa anumang bantang kakaharapin ng AFP.
Nagpakitang gilas sa tinaguriang pagbubuklod 2021 ang mga bagong asset ng navy at marines kung saan itinampok ang amphibious assault/raid, insertion/extraction, amphibious sealift, tactical sealift, force protection capability, support and sustainment, afloat command and control, maritime search and rescue, shipboard helicopter operations o HELOPS at casualty evacuation operation o CASEVAC
Lumahok din sa war exercise ang bagong barkong pandigma ng NAVY na BRP Jose Rizal partikular sa isinawagang gunnery exercise, maritime interdiction operation, surface action group gaya ng air defense exercise, over the horizon targeting and search and attack unit operations.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)