Nakatakdang dumating sa Martes ang ibibigay na TARS o “tethered aerostat radar system” ng Amerika sa Philippine Navy.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Capt. Lued Lincuna, malaking tulong ito sa kanilang “maritime intelligence and reconnaissance” upang makapag-detect ng maritime and air traffic partikular na sa mga coastal water ng bansa.
Dagdag pa ni Lincuna na mas magaan ang TARS sa aircraft system na siyang ginagamit sa surveillance at kaya nitong lumipad ng hanggang 45,000 talampakan.
Ang turn over ng nasabing kagamitan ay gaganapin sa naval education and training command sa San Antonio, Zambales na dadaluhan ni US Deputy Embassy Chief of Mission to the Philippines Michael Klescheski at ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Ronald Joseph Mercado.
By Arianne Palma