Hihigpitan ng Philippine Navy ang kanilang pagpapatrulya sa Manila bay sa kasagsagan ng Asia Pacific Economic Summit summit
Ayon kay Navy Spokesman Col. Edgardo Arevalo, kanilang ipakakalat ang mga seaborne patrol na kinabibilangan ng mga navy personnel at marines.
Layon nitong matiyak ang seguridad ng mga delagado sa apec lalo’t malapit lamang ang Manila Bay sa mga pagdarausan ng mga pagpupulong
Nakapaligid din sa manila bay maging ang mga hotel aniya na pansamantalang tutuluyan ng mga delegado sa pagpupulong kaya’t nararapat lamang na higpitan ang seguridad ng mga ito
Una rito, inihayag ng Navy na ipatutupad ang no sail zone sa manila bay sa panahon ng APEC summit sa ikatlong linggo ng Nobyembre.
By: Jaymark Dagala I Jonathan Andal