Nangangamba ang Philippine Nurses Association na mas maraming nurse sa mga pagamutan ang magbibitiw sa tungkulin.
Ito ay kung hindi masunod ang hiling ng mga ito sa mas maayos na benepisyo sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nagbanta kasi ang ilang union leaders sa ilang ospital nitong nakaraang linggo na mag-wewelga habang ang grupo ng mga nurse naman ay nagbabala ng magbibitiw sa tungkulin dahil sa hindi pa bayad na risk allowance na aabot sa limang libong piso kada buwan sang ayon sa batas.
Ayon naman sa isang leader ng union sa ust hospital, isa rin sa dahilan kaya mahirap punan ang kakulagan sa nurse sa bansa ay dahil sa mas maayos na bayad abroad.
Nitong nakaraang taon, aabot sa pitong libong nurses ang lumipad sa ibang bansa para makipagsapalaran.—sa panulat ni Rex Espiritu