Pinalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus, Syria ang mga Filipino sa nasabing bansa laban paggamit sa kanilang mga pasaporte bilang collateral sa mga loans o pautang.
Sa ipinalabas na anunsyo ng Embahada, kanilang iginiit na lahat ng ipinalalabas na Pasaporte ng Pilipinas ay pagmamay-ari ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at hindi maaaring gamitin bilang collateral.
Batay anila sa Foreign Service Circular Number 2014-99 na ipinalabas noong August 19, 1999 , awtomatikong kanselado ang mga pasaporte na ginagamit bilang collateral para sa mga loans o utang, oras na mai-report ito na nawawala ng may-ari.
Una nang napaulat ang paggamit sa pasaporte bilang collateral ng mga Filipino sa Hong Kong.