Nasungkit na ng Philippine Polo Team ang una nilang panalo sa 30th South East Asian Games (SEA Games).
Tinalo ng Philippine team ang Malaysia na siyang defending champion sa score na 8.5 kontra 5 goals.
Ginanap ang torneo sa Iñigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas.
Kabilang sa mga nakapagtala ng field goal sa Philippine team sina Gus Aguirre, Tommy Bitong at Santi Juban.