Unti-unti nang nakakarekober ang Philippine Ports Authority (PPA) mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa PPA, kumita sila ng 5.02 billion pesos sa unang kwarter ng 2022, mula sa 4.61 billion pesos na kinita sa kaparehong panahon noong 2021.
Nahigitan naman ng ahensiya ang target nilang 4.06 billion pesos na kita para sa nabanggit na buwan.
Samantala, dumoble rin ang bilang ng pasaherong naitala ng PPA kasabay ng unti-unting pagluluwag ng restriksyon sa bansa.