Itinatag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Railways Institute (PRI).
Ito ay isang reasearch at training center para sa mga empleyado at human resources ng railway sector ng bansa.
Sa ilalim ng Executive Order 96, mandato ng PRI na bumuo ng mga guidelines na magagamit sa pagkuha ng mga empleyado na kikilos at magtatrabaho sa mga railway systems ng Pilipinas.
Dito rin magkakaroon ng pagsasanay ang mga makukuhang trabahador para masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga tren sa bansa.
Inatasan din ng Pangulo ang naturang training center na tumulong sa pagpapatupad ng mga batas na may kinalaman sa Human Resources Development ng mga nasa naturang sektor.
Pamumunuan naman ito ng isang executing director na itatalaga ng pangulo.
Samantala, ang PRI ay nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).