Handa na rin ang Philippine Red Cross (PRC) sa posibleng maging epekto ng bagyong Betty sa bansa.
Ayon kay PRC Chairman Dick Gordon, naka-monitor ngayon ang PRC sa Northern Luzon na inaasahang pinaka matatamaan ng bagyo.
Habang kabilang aniya sa kanilang inihanda ay ang logistics, manpower at equipment na magagamit sakaling may kailanganin ng tulong.