Isinusulong ni Cagayan De Oro City representative Rufus Rodriquez ang panukalang batas na ideklarang bilang protected area ang malaking bahagi ng ng Philippine rise.
Sa panukalang batas na House Bill No. 5687 o expanded national integrated protected areas system law, ipinadedeklara ang lugar bilang philippine rise marine resource reserve.
Sa tulong nito mapangangalagaang mabuti at mapakikinabangan ang iba’t ibang uri ng isda at iba pang yamang dagat.
Magbibigay rin ng karagdagang pondo para sa pagpapatrolya sa Philippine Rise na isinasagawa ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police Maritime Group, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Rodriquez, makatutulong ito para isulong ang soberanya at mga teritoryo ng bansa.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon