Nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang proklamasyon na nagdedeklara sa Philippine Rise bilang marine protected area.
Isinagawa ang deklarasyon kasabay ng pagtungo ni Pangulong Duterte sa nabanggit na undersea region, kahapon.
Ito’y bilang bahagi ng unang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Benham sa Philippine Rise na ini-award ng United Nations bilang extended undersea continental shelf ng Pilipinas.
Kasama ni Pangulong Duterte sa pagbisita sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Carlito Galvez at iba pang military at government officials.
Nanindigan ang Punong Ehekutibo na poprotektahan ng gobyerno ang soberanya ng bansa sa Philippine Rise sa kabila ng bantang pananakop ng Tsina sa nasabing teritoryo.
Magugunitang nanawagan kamakailan ang Philippine chapter ng International Ocean Conservation Non-profit Oceana sa Pangulo na gawing protected area ang 13 million hectare ng undersea plateau sa bahagi ng Aurora province.
Samantala, hindi na natuloy ang pagsakay ng jet ski ni Pangulong Duterte patungong Philippine o Benham Rise mula sa dalampasigan ng Aurora province.
Ito, ayon kay Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, ay dahil na rin sa edad ng Pangulo.
Sa halip ay sina Baste Duterte, anak ng Pangulo at si Go ang nag-jet ski sa bahagi ng Casiguran Bay kahapon.
ICYMI:
Anak ni Pangulong Duterte na si ‘Baste’ at Special Assistant to the President Bong Go, nag-jet ski sa bahagi ng Casiguran Bay sa Aurora kahapon. | via @jopel17 pic.twitter.com/H7eUihM1rC— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 15, 2018
Kasabay nito ay pinangunahan din ni Pangulong Duterte ang send-off ceremony ng 50 Filipino Scientist na magsasagawa ng isang buwang pagsasaliksik sa Philippine Rise.
ICYMI: Proklamasyon na nagdedeklara sa Philippine Rise bilang protected marine area, nilagdaan na ni Pangulong Duterte. Isinagawa rin ang send-off ceremony para sa tinatayang 50 Filipino marine scientists na magsasagawa ng research expedition sa Philippine Rise. | via @jopel17pic.twitter.com/Zo2ZJfmKfP
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) May 15, 2018
By Drew Nacino / Jennelyn Valencia