Nakipag-ugnayan na ang Department of National Defense (DND) sa Sovtechnoexport na Russian supplier ng mi-17 Helicopter Acquisition Project.
Ito’y matapos lagdaan ni dating DND Secretary Delfin Lorenzana ang termination letter at contract termination and review committee ng formal notice sa Russia ng pagkansela ng Pilipinas sa naturang kontrata.
Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, bibigyan nila ang Russian embassy ng update hinggil sa resulta ng pag-uusap ng magkabilang panig.
Una nang inihayag ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na wala pang natatanggap ang Moscow na formal notice na kanselado na ang kasunduan. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Jenn Patrolla