Maglulunsad ang Philippine Space Agency ng pinakamalaking satellite sa kalawakan sa 2023.
Ang satellite na ito ay tatawaging “mula” na kayang kumuha ng mga larawang sakop hanggang 100,000 square meters.
Sinabi ni Gay Jane Perez, deputy director ng Philippine Space Agency, malaki ang maitutulong ng makukuha ng satellite sa agrikultura sa pamamagitan ng pagmo-monitor sa mga pan-anim, pamamahala sa kagubatan, pagtukoy sa pagbabago ng land use at higit sa lahat ay ang paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.
Nabatid na 16 na Pinoy engineers ang nagtrabaho para sa pagbuo ng naturang satellite kabilang na rito ang siyam na Pinoy na nagsanay sa United Kingdom.