Nagpaabot ng pagbati ang Philippine Sports Commission (PSC) sa karangalang nasungkit ni olympian gold medalist Hidilyn Diaz sa katatapos lang na World Weighlifting Championship sa Bogota, Colombia.
Nabatid na tatlong gintong medalya at overall championship ang nakuha ni Diaz matapos mabuhat ng atleta ang 93 kg. snatch at 114 kg. clean and jerk, para sa kabuuang 207 kg. kung saan, tinalo niya sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico.
Bukod kay Diaz, sasabak din sa kompetisyon ang iba pang Filipino weightlifters para sa 2024 Paris Olympics na kinabibilangan nina Tokyo Olympian Elreen Ando, Asian Champion Vanessa Sarno, Kristel Macrohon, at Dave Lloyd Pacaldo.
Ayon sa PSC, buo ang kanilang suporta kay Diaz maging sa mga atletang lalaro sa ibang bansa kung saan, inaasahang mas dadami pa ang masusungkit na karangalan para sa Pilipinas.