Nakatakdang dumalo si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa Philippine Tourism Industry Convergence Reception mamayang alas -5 ng hapon.
Sa inilabas na anunsiyo ng Malacañang, gagawin ito sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex, Pasay City.
Kabilang sa dadalo sa nasabing aktibidad ay sina Vice President Sara Duterte at Department of Tourism (DOT) secretary Maria Esperanza Christimna Garcia Frasco.
Magkakaroon din ng Unity of Toast para sa Philippine Tourism at video presentation kung saan highlight ang Cebu bilang Model for Local Tourism Governance.
Samantala, inaasahang magbibigay ng talumpati ang Punong Ehekutibo sa naturang aktibidad.