Naniniwala ang Department of Tourism na mas nakikilala na ng mundo, lalo ng mga dayuhang turista, ang iba’t ibang mga pasyalan sa Pilipinas.
Kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior, ipinagmalaki ng DOT na marami nang mga hakbang na ginawa ang bansa upang makamit ang pagiging tourism powerhouse ng Pilipinas sa Asya.
Kabilang na rito ang mga pagkilala na natanggap ng Pilipinas, tulad ng World’s Leading Beach Destination, World’s Leading Dive Destination at Asia’s Leading Tourist Attraction sa 2022 World Travel Awards.
Kinilala rin ang bansa bilang World’s Leading Country Destination sa Uzakrota Global Travel Awards sa Turkey at bilang emerging Muslim-friendly destination sa halal in Travel Awards 2023 sa Singapore.
Batay sa datos ng kagawaran, dumami ang mga turista noong 2022 sa 2.65 million foreign arrivals o lampas sa 1.7 million yearend projections.