Babaguhin ang Philippine Transport Industry at iaangat ito sa pandaigdigang pamantayan.
Ito ang tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Jaime Bautista para mas mabigyan ng mas accessible, affordable, komportable at ligtas na transportasyon ang mga Pilipino.
Ani Bautista, ito ang ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aniya, pagtutuunan nila ng pansin ang mga pangangailangan ng pasahero at pagsasaayos sa mga kalsada, paliparan, seaports at railways.
Maliban dito, nangako rin si Bautista na ipagpapatuloy ang ‘Build, Build, Build’ program ng nagdaang administrasyon.