Inanunsyo ng isang Philippine Women Volleyball star na engage na ito sa isang japanese coach.
Sa maiksi ngunit sweet na Instagram post ni former National University middle blocker at National team member Jaja Santiago, makikita dito ang larawan ng ginawang pag-propose ng kanyang fiancé na si Coach Taka Minowa at may caption na “yes.”
Sinabi pa ng 26-year-old spiker na hindi mahalaga kung gaano katagal ang relasyon dahil ang mas importante aniya ay batid at ramdam mong natagpuan mo na ang iyung “THE One” o ang tamang tao na para sayo.
Simula pa noong 2018 at hanggang sa kasalukuyan, naglalaro parin si Santiago bilang import ng Saitama Ageo Medics ng Japan V. League.