Nagpakitang gilas ang pambato ng bansa na Philippine women’s football team sa ginanap na international friendly match sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.
Ito ay matapos tambakan ng Pinas ang kalaban nitong Tonga sa iskor na 5-0.
Pinangunahan nila Anicka Castaneda, Eva Madarang at Carleigh Frilles ang nasabing friendly match.
Nabatid na ang nasabing laro ay bahagi ng preparasyon ng bawat bansa sa Asya para sa gaganaping 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.