Nananatili ang Philippine Women’s National Football Team sa Auckland, New Zealand para sa FIFA Womens World Cup 2023.
Ito ang inanunsiyo matapos kumpirmahin ng FIFA ang mga Team Base Camp (TBC) para sa lahat ng makikipag-kumpetensya sa showpiece event sa susunod na taon sa New Zealand at Australia.
Habang ang mga atletang pinay ay maglalaro ng kanilang unang dalawang laban sa Dunedin at Wellington.
Ito ang unang pagkakataon na ang mga kalabang bansa ay magkakaroon ng mga nakatalagang TBC sa FIFA Women’s World Cup.
Ang TBC ay magsisilbing “Home away from home” para sa mga koponan, kasama ang training site at accomodations.
Sa olympic park ang magiging training site ng mga manlalarong pinay habang ang movenpick hotel Auckland ay ang kanilang opisyal na TBC hotel.
previous post