Target ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) na pasukin na rin ang mundo ng online shopping platform para makapaghatid ng iba’t ibang produkto.
Ito ang inihayag ni PhilPhost Marketing officer in charge Maximo Sta. Maria sa isinagawang pagdinig ng Senado para sa budget ng ahensya.
Ayon kay Sta. Maria, welcome sa kanila ang mungkahi ni Sen. Koko Pimentel lalo’t lumabas sa pagdinig na break even o halos wala nang kita at nai-aambag ang philpost sa gobyerno.
Batay sa ulat ng philpost nuong 2019, nasa P1.2 million lamang ang kanilang net income habang nasa P12.3 billion naman ang kanilang assets maliban pa sa P500 million na karagdagang pondo nito.