Maglalabas ang Philippine Postal Corporation (PhlPost) ng stamp na sumisimbolo ng pagkilala kay Weightlifter Hidilyn Diaz dahil sa pagkakasungkit ng unang olympic gold ng bansa.
Ayon kay PhlPost Master General Norman Fulgencio, dahil sa ibinigay na karangalan ni Diaz, maglalabas ang ahensya ng “First Olympic Gold Stamp”.
Ani Fulgencio, matapos manalo ni Diaz, agad niyang inatasan ang kanilang creative team para mag disensyo ng naturang stamp.
Ang postage stamps ay ginagamit sa buong mundo para ipakita ang pagdiriwang o pagbubunyi sa mga mahahalagang events o indibidwal.