Ikinalungkot ng Philippine Sports Commission (PSC) ang gulong naganap sa laban ng Jose Rizal University (JRU) at College of St. Benilde noong Martes.
Ito ay matapos magwala at manuntok ang basketball player ng JRU na si John Amores dahilan para suspendihin ito pang habang-buhay.
Sa panayam ng DWIZ kay Noli Eala, Chairman ng PSC, sinabi nito na walang lugar ang violence sa sports.
Kinuwestiyon naman ni Eala ang paulit-ulit na karahasang ipinakita ni Amores sa laro, na hindi magandang ehemplo sa mga kabataan.