Walang balak magsauli ng pera ang remittance service na Philrem kaugnay ng 81 million dollar money laundering scam.
Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto, posibleng nasa kumpanyang Philrem ang nawawala pang tinatayang 17 milyong dolyar mula sa perang ninakaw sa Bangladesh Central Bank.
Pero sa ika-apat na hearing ng senado ukol sa money laundering scam, nanindigan si Michael Bautista ng Philrem na wala sa kanila ang naturang halaga ng pera.
Una rito binalaan ni Senate Blue Ribbon Committee Chair TG Guingona ang mag-asawang Bautista ng Philrem hinggil sa mga pabago-bago nilang testimonya.
Batay sa mga naunang hearing ng senado, sinabi ng mag-asawang Salud na naideliver nila ang P600 milyong piso sa isang Wei Kang Xu sa Solaire ngunit hindi nabanggit ang tungkol sa 18 milyong dolyar at pagpick-up ng pera sa mismong bahay nila.
By Ralph Obina