Inilunsad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang PhilSys Check QR Code para mas mabilis na makilala ang pagkakakilanlan ng National ID cardholders.
Labing-tatlong bangko ang bahagi ng pilot test run kung saan gagamit ang mga ito ng QR Code System habang naglilipat ng personal na data sa kanilang mga system nang hindi nangangailangan ng manual encoding.
Ayon kay Assistant National Statistician Fred Sollesta, sinimulan nila ang PhilID QR Code Verification System (PQRCVS) noong Nobyembre 2021.
Sa pinakahuling datos noong Marso, nasa 9.1 milyong PhilID na ang nai-deliver sa bansa.
Ang isa pang panukala ay mag-download ng digital version ng ID para sa pag-print ng mga ID. —sa panulat ni Abby Malanday