Aarangkada na sa January 4, 2021 ang ikalawang sigwada ng Philippine Identification System (PhilSys) registration sa buong bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Dennis Mapa, unti-unti at small-scale basis ang gagawin sa Step 2 registration.
Sinabi ni Mapa na nasa 8.4 milyon nang Pinoy ang nakakumpleto ng Step 1 registration o ang house–to-house na pangangalap ng demographic information.
Tiniyak naman ng PSA na masusunod pa rin ang health and safety measures sa pagpapatuloy ng registration ngayong panahon ng pandemya.