Pinalakas pa ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang registration ng Philippine Indentification System sa mga liblib na lugar sa bansa.
Kabilang sa mga lugar na pinuntahan ng PSA ay ang mga liblib na lugar sa Peñablanca, Cagayan na mayroong 35, 945 indigenous peoples na naninirahan.
Pinasigla rin ang mobile registration ng National ID sa maraming munisipalidad sa Maguindanao kabilang ang South Upi, Upi, Datu Unsay, Datu Hoffer, Shariff Aguak, Datu Anggal Midtimbang, Talayan at Talitay.
Hanggang Hunyo 17, umabot na sa 68.3 milyong Pilipino ang nakatapos sa Step 2 registration ng PhilSys.
Target naman ng psa na i-akyat ito sa 92 milyong Pilipinong makakapagrehistro sa pagtatapos ng 2022.