Mahigit sa 140 aftershocks ang naitala ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology matapos ang malakas na lindol sa Surigao Del Norte noong Biyernes.
Gayunman, ipinaliwanag ni PHIVOLCS Director Renato solidum na walang dapat ipangamba ang publiko dahil normal lamang ang aftershocks na maaaring magtagal ng ilang buwan at hindi lalagpas ng magnitude 6.7 ang lakas nito.
Nilinaw din ni solidum na naapektuhan ng pagyanig ang Philippine Fault-Surigao Segment pero hindi magkaugnay ang naranasang lindol sa Surigao sa West Valley Fault.
By Jelbert Perdez