Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko partikular ang mga nasa Metro Manila at iba pang karatig lalawigan kaugnay sa volcanic smog o vog.
Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum Jr., hindi naman umaabot ang vog sa Metro Manila dahil nasa paligid ng Bulkang Taal ang concentration nito.
Ang nararanasan aniya sa kalakhang maynila at iba pang karatig lalawigan na tila paglabo ng kapaligiran ay haze na dulot ng paglipad ng sulfur dioxide sa ibabaw ng bulkan.
Sa ngayon aniya, mas madalas na nangyayaring paglipad o direksyon ng gas galing sa bulkan ay patungong southwest at timog kanluran o sa timog.
Minsan lamang aniya ito napupunta sa direksyon ng Metro Manila at hindi naman aniya ito nakapagdulot ng masama sa kalusugan ng tao dahil masyadong mataas ang direksyon nito kung saan malabong malanghap ng tao.