Pinawi ng PHIVOLCS ang pangamba ng publiko na matulad ang pagsabog ngayong taon ng Taal Volcano sa eruption nito noong January 2020.
Ayon kay PHIVOLCS Renato Solidum, iba ang ipinakikitang aktibidad ng Taal ngayon kumpara sa pagsabog nito noong isang taon.
Kaunti na lamang anya ang pressure sa Bulkan ‘di tulad noong Enero ng 2020.
Inabisuhan naman ni Solidum ang mga residente sa paligid ng Taal na magsilikias partikular ang mga naninirahan sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo, Batangas.
“Yung January 2020 sa maliit na explosion lumaki ng lumaki kasi nga may pressure tinanggal natin ang pressure sa crater at yung mas mataas ang pressure ng Magma ay biglang umakyat ngayon eh nagdidigas nga ho kakaiba ang panimula tungkol dito at binanggit na hindi ganon ka explosive ang simula nito kesa sa last year.” Si PHILVOCS Director Renato Solidum
—sa panulat ni Drew Nacino