Umapela ang PHIVOLCS sa mga residenteng apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal na pag-isipang mabuti ang pagbalik agad sa kanilang tahanan.
Sa Laging Handa Public Briefing, nagbabala si PHIVOLCS Undersecretary Renato Solidum Jr., na posibleng lumala pa ang sitwasyon ng bulkan sa gitna ng mga napapaulat na pagtanggi ng ilang residente na lumikas at pansamantalang manatili sa evacuation centers.
Ani Solidum, napakahalagang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa kung anomang “volcanic hazard” na pwedeng mangyari sakaling tumindi pa ang sitwasyon.
Batay sa unang abiso ng PHIVOLCS, dapat nang lumikas ang mga residente sa Barangay Gulod, Buso Buso, Lakeshore Bugaan East sa Laurel, Banyaga at Bilibinwang sa Agoncillo