Walang naitala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na pagyanig sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.
Ito’y kahit na itinaas sa alert level 2 ang status sa nasabing bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, nananatiling tahimik ang Mayon Volcano sa Legazpi, Albay.
Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, nakapagtala lamang sila ng katamtamang pagsingaw sa timog-timog kanluran ng bulkan.
Gayunpaman, mahigpit pa ring pinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.