Nagpasalamat ang Philippine Sea Games Organizational Committee (PHISGOC) sa lahat ng naging bahagi ng 30th South East Asian (SEA Games).
Sa talumpati sa closing ceremony ng SEA Games, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng PHISGOC na hindi magiging matagumpay ang palaro kundi dahil sa tulong ng bawat indibidwal na nakibahagi sa palaro.
Kaniyang pinasalamatan ang mga atletang nagpamalas ng husay sa kani-kanilang larangran at ang libu-libong volunteers at workforce na kanilang naging katuwang sa palaro.
‘’Thank you athletes, thank you volunteers, we feel great because of you. Because of you, we feel better about ourselves. Volunteers and workforce, we won’t last a day without you,’’ ani Cayetano.
Kasabay nito, ipinagmalaki ni Cayetano na kinaya ng Pilipinas ang pagho-host ng SEA Games at hindi lamang aniya basta kinaya kundi may pang-world class ang kalidad.
Hindi rin nalimutan banggitin ni Cayetano ang mga kritiko ng pangunguna ng PHISGOC sa SEA Games.
‘’Those of you who didn’t believe, for those of you who said this couldn’t be done, for those of you who said this stadium will not be built on time, for those of you who said ‘sayang ang pera, dapat hindi tayo nag host’, sa lahat ng nagkalat ng fake news, ang masasabi ko sa inyo, taga niyo sa bato, peace be with you,’’ ani Cayetano.