PHIVOLCS ang unang mag-aanunsyo sakaling ligtas nang makabalik ng kani-kanilang mga tahanan ang mahigit 200,000 mga inilikas bunsod ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ito ang tiniyak mismo ni PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Chief Ma. Antonia Bornas sa harap ng natatanggap na batikos at reklamo mula sa mga bakwit.
Ayon kay Bornas, kanilang naiintindihan ang pinagdadaanang hirap ng mga evacuees na napipilitang iwanan ang kani-kanilang mga ari-arian at kabuhayan.
Sinabi ni Bornas, ito ang dahilan sa kanilang doble kayod na pagtatrabaho para maibigay ang mga mahahalagang impormasyon sa lahat.
Iginiit pa ni Bornas na tanging ang kaligtasan ng lahat ang kanilang unang iniisip.
So we are working double hard so we can give them the best information, we will be the first one to say if it’s safe to go back because we have them in mind all the time, alam naman natin yung plight ng mga nadi-displace especially who are in evacuation centers, we know it’s very stressful sa kanila yung ganito,” ani Bornas.
Samantala, nirerespeto naman ni Bornas ang mga batikos ni Talisay City Vice Mayor Charlie Natanauan.
With all due respect to the Vice Mayor, we think and understand that he is under so much stressed, there are so many things that he’s under pressure so, we would like to respect the feelings of Vice Mayor but at the same time we are firm in our science and we are doing our best so that we can inform, especially Batangas we know a lot of them, know the people there, I myself spent days going around the volcano,” ani Bornas.