Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na patuloy na nagpapakita ng aktibidad Bulkan Kanlaon at Bulkang Bulusan.
Batay sa datos ng PHIVOLCS, nakapagtala ng 21 volcanic earthquakes ang Bulkan Bulusan at nasa 556 naman na tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga.
Habang nakitaan rin ng katamtamang steaming ang Bulkang Bulusan na aabot sa 100 metro.
Nakapagtala naman ng 15 volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon kung saan may lumabas rin na mahinang pagsingaw.
Samantala, nananatili pa rin sa Alert level 1 ang mga nabanggit na bulkan.