Niyanig ng Magnitude 6.4 na lindol ang bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro alas 5: 05 kaninang madaling araw.
Namataan ang pagyanig sa layong 110 kilometers kanlurang bahagi ng nasabing lugar at may lalim na 29 kilometers at tectonic ang origin nito.
Naramdaman ang Intesity III sa Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, Makati City
Intensity II – Talisay, Batangas
Instrumental intensities:
Intensity III – Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; Olongapo City; Carmona, at Tagaytay City, Cavite; City of Calapan, Oriental Mindoro
Intensity II – Las Piñas City; Marikina City; Muntinlupa City; Quezon City; City of Pasig; Baler, Aurora; City of Malolos, Marilao, Pandi, Plaridel, San Ildefonso, at San Rafael, Bulacan; Gapan City, at City of Palayan, Nueva Ecija; Iba, Zambales; Batangas City, at Talisay, Batangas; Dolores, at Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – City of Parañaque; Pateros; City of Dagupan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; City of Cabanatuan, at San Jose City, Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; City of Tarlac, Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, at Polillo, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; City of Puerto Princesa
Walang naitalang nasawi, nasugatan o nasirang ari-arian, asahan din ang aftershock sa nabanggit na mga lugar. —sa panulat ni Joana Luna