Kinumpirma ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na aftershock ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao del Sur ang naramdamang lindol dito.
Ipinabatid sa DWIZ ni Solidum na nagmula ang nasabing lindol sa kaparehong fault na gumalaw nuong February 10.
Dahil dito, pinag iingat ni Solidum ang lahat sa mga posible pang pagyanig lalo na sa Surigao.
PAKINNGAN: Pahayag ni PHIVOLCS Director Renato Solidum sa panayam ng DWIZ
PHIVOLCS hinimok ang publiko na makiisa sa mga earthquake drills
Hinimok ni PHIVOLCS Director Reynaldo Solidum ang publiko na patuloy na makiisa sa mga earthquake drills.
Ito ayon kay Solidum ay dahil walang nakakabatid kung kailan mararanasan ang lindol bagamat may mga babala na partikular ang tinatawag na West Valley Fault.
Sinabi sa DWIZ ni Solidum na isang Nationwide Earthquake Drill pa ang ikinakasa nila para higit na mabigyan ng sapat na kaalaman ang publiko sa dapat gawin kapag nagkaruon ng lindol.
PAKINNGAN: Tinig ni PHIVOLCS Director Renato Solidum
By Judith Larino