Muling binalaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang publiko kaugnay sa pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum, posibleng yanigin ang mga lugar na inaabot ng mga aktibong fault line tulad ng Manila trench, west valley fault, Suku trench, Cotabato trench at Philippine trench.
Aniya, kung tatama sa Metro Manila ang magnitude 6.5 na lindol ay mahigit 20,000 ang posibleng mamatay dahil sa dami ng mga gusali dito.
Posible rin aniyang malubhang mapinsala ang runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Port of Manila dahil malambot ang lupang kinatatayuan ng mga ito.
Nanawagan naman si Urban Planner Arch. Jun Palafox sa gobyerno at publiko na ngayon pa lamang ay maghanda sa pagtama ng malakas na lindol
Sa pamamagitan ng pag inpeksyon sa mga gusali, pagpapatayo ng sapat na evacuation center at pagrepaso sa building code.
By Rianne Briones