Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa mga vloggers na nagpupunta sa mga lugar malapit sa bunganga ng bulkang Taal.
Ito ay matapos mag viral sa mga social media platforms ang video ng isang lalaki na naglalakad sa volcano island nang naka tsinelas matapos pumutok ang bulkan.
Ayon sa Phivolcs, lubhang mapanganib pa rin ang magpunta o lumapit sa tinaguriang danger zone.
Anila, hindi pa rin nawawala ang banta ng mapanganib na pagsabog ng bulkan.
Samantala, muling nagbuga ng mas malakas na usok ang bulkang Taal kahapon na hudyat ng aktibidad sa ilalim nito.