Nagpalabas ng abiso ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS kaugnay ng posibleng pagdaloy ng lahar sa mga lugar malapit sa bulkang Mayon.
Kasunod ito ng walang tigil na pag-uulan sa lalawigan ng Albay dala ng tail end of a cold front.
Ayon sa PHIVOLCS, tinatayang aabot sa siyam na milyong cubic meter ang kapal ng deposito ng ibinugang pyroclastic density current ng bulkang mayon sa mga watershed channels sa Buyuan at Miisi.
Habang nasa 1.5 million cubic meters ang kapal ng abo na malaki ang posibilidad na maging lahar kapag nahalo sa tubig ulan.
Kasabay nito pinapayuhan ang mga local government units at mga residente malapit sa mga ilog na maging alerto at lumikas sa matataas na lugar partikular sa Buyuan, Miisi, Mabinit, Basud, San Vicente, Buang, quirangay at Masarawag- Maninila.
—-