Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) laban sa mga nagpapalakat ng mga pekeng ulat patungkol sa lindol o tsunami.
Ipinabatid ito ng ahensiya matapos magdulot ng takot sa publiko ang posibleng pagkakaroon ng tsunami matapos tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa North Cotabato, kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, walang ‘reliable’ o mapagkakatiwalaang teknolohiya sa buong mundo na makapagsasabi kung kailan at saan eksaktong tatama ang isang malakas na lindol.
BASAHIN: @phivolcs_dost nagbabala laban sa mga nagpapakalat ng fake news patungkol sa lindol o tsunamihttps://t.co/eu9sUUOyjv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 16, 2019
Dagdag pa ng PHIVOLCS, kailangan ng publiko na parating maging handa sakaling tumama ang malakas na pagyanig.
Payo ng ahensya, iwasan na ang pag-share o pagpapakalat at paniniwala sa mga hindi kumpirmadong balita na mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga balita partikular na sa lindol dahil maaari itong magdulot ng pagkalito at pagkatakot sa publiko.